Blessed morning po!
Panibagong programa para sa magnanay handog ng Pamahalaang Lungsod kasama sina Vice Mayor Bobby Montehermosoat ang buong TeamLubigan.
Matagumpay nating inilunsad ang Magnanay ay Gabayan sa maButing kaLusugan, Trece Martires City’s First 1000 Days of Life Program. Mula sa pinagsanib na pwersa ng City Nutrition Office, City Health Office – City Health Office of Trece Martires City, City Social Welfare and Development Office – Cswdo Trece Martires, City Agriculture Office, City Civil Registry Office – City Civil Registrar’s Office Trece Martires kasama ang iba pang mga opisina ng pamahalaang lungsod.
Ang programa pong ito ay nagbibigay halaga sa mabuting kalusugan at nutrisyon ng ina at sanggol sa loob ng unang isang libong araw ng buhay.
Ang atin pong City Health Office ay nag i-screen ng mga buntis na sa kasalukuyang nasa kanilang first trimester at sila ay magiging kasapi ng ating inilunsad na F1K Program. Sila po ay dumalo sa ating launching noong ika-23 ng Marso kasama ng kanilang mga asawa.
Aalagaan po natin ang mga napili nating nanay sa kanilang pagbubuntis hanggang sila ay makapanganak gayundin ang kanilang mga sanggol hanggang ang mga ito ay magdalwang taong gulang. Gusto po natin na ang susunod na henersyon na mga batang Treceño ay ay lumaking malusog, matalino, at may kakayanan sa buhay.
Bibigyan natin ang mga kasapi ng ating program ng mga sumusunod na serbisyo:
✔️Konsulta ng buntis hanggang sa ito ay makapanganak
✔️Laboratory tests, rotating ultrasound, bakuna, gamot at bitamina ng buntis
✔️Maternal Care Package & Newborn Care Package (newborn screening & hearing test)
✔️Immediate postpartum and post-natal care (initiation of breastfeeding at bakuna ng sanggol)
✔️Konsulta ng sanggol hanggang bago mag dalwang taong gulang
✔️Deworming ng bata
✔️Dietary at Supplementary Feeding para sa mga buntis at sanggol anim na buwan hanggang bago mag dalwang taong gulang
✔️Birth registration ng sanggol
✔️Binyag para sa mga Katoliko
✔️Enrolment to ECCD Program
✔️Probisyon ng seeds/seedlings at trainings para sa family home gardening
✔️Referral sa PESO para sa trabaho ng tatay at livelihood trainings
✔️Family Development Sessions (Parent Effectiveness Service, Gender and Development Sensitivity Sessions, atbp.)
✔️Routine water maintenance at toilet sanitation
✔️PhilHealth Membership
Sa araw ng launching ay namigay po tayo ng F1K Kits, Mother-Baby Booklet, ID’s para sa mga beneficiaries, at 25 kl na sako ng bigas.
Laking1000
First1000Days
Be blessed,
Be a blessing!
Bagong Trece,
Puso ng Cavite,
Lungsod ng Pag Asa!
#BagongTrece
#TeamLubigan
#LubiganMontehermoso2022
❤️MGBL